Skip to product information
1 of 1

UP Press

Sad-sadan, Happy-hapihan Mga Kuwento ng Pag-ibig by John Iremil Teodoro

Sad-sadan, Happy-hapihan Mga Kuwento ng Pag-ibig by John Iremil Teodoro

Regular price ₱340.00 PHP
Regular price Sale price ₱340.00 PHP
Sale Sold out

Nagpapahayag ang koleksiyong Sad-sadan, Happy-hapihan ng hindi nag-aalangang pagkukuwento ng pananaw-sa-daigdig ng bakla. Hindi na ito ang may bahid ng pagkukubli (isipin na naisulat ito halos isang dekada na ang nakararaan) kung kaya maituturing na siyang pangunahing ambag sa fiction sa Filipino. Sa madaling sabi, ang ipinapahayag na politika nito sa kalahatan ay mapagpalaya. Hindi na pinagmumulan ng ligalig ang kaisipang bakla, na baka maging hindi katanggap-tanggap sa mambabasa ang kuwentong nabuo ng awtor. Matapang siya kung ganoon sa pagpalaot sa larang na ito. Mahusay ang pagkakasulat ng mga kuwento. Sa maikli at katamtamang haba ng pagsasalaysay ay naisasagawa ang layuning maipahayag ang mga karanasang madalas na hindi nabibigyan ng puwang sa popular na lathalain at sa mga textbook. Isa itong ambag sa lumalawak na pangangailangan na magkaroon ng mga babasahing LGBTQ na sumasalamin sa pagsisikap ng sektor na makalaya sa heteronormatibong literatura.

Published by UP Press

View full details